^

Metro

Singer hinoldap muna bago hinalay

-
Hindi pa nagkasya sa kinulimbat na alahas at pera ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na nangholdap sa isang dalagang singer, kundi maging ang puri ng huli ay kanila ring kinuha, kamakalawa ng hapon sa loob ng comfort room ng isang shopping mall sa Makati City.

Ang biktima na luhaang dumulog kay PO2 Mylene Canlobo, ng Women’s and Children’s Desk Unit, ay itinago sa pangalang Riza, 22, singer sa hindi binanggit na club.

Base sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ng maganap ang insidente habang ang biktima ay naglalakad sa may Bgy. Guadalupe Nuevo patungo sa may istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) nang biglang lapitan ng dalawang suspect.

Agad siyang pinagitnaan ng mga ito at saka inihayag ang holdap.

Tinutukan umano siya ng patalim at saka dali-daling kinaladkad papasok sa loob ng comfort room ng mga lalaki sa isang shopping mall.

Matapos makuha ang halagang P5,000 at ilang mga alahas ay puwersahan pa siyang hinalay ng mga ito.

Matapos ang panghahalay ay iniwan na lamang siya sa loob ng comfort.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat Lordeth Bonilla)

BGY

DESK UNIT

GUADALUPE NUEVO

ISANG

MAKATI CITY

MATAPOS

METRO RAIL TRANSIT

MYLENE CANLOBO

RIZA

ULAT LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with