AWOL na pulis napatay sa shootout
May 8, 2001 | 12:00am
Isang AWOL na pulis na nagpakilalang tauhan ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina Jr. ang nabaril at napatay matapos na makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanya, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Kinilala ang nasawi na si ex-Inspector James Garcia.
Samantala nagtamo naman ng tama ng bala sa dibdib ang isa sa nakabarilan nito na nakilalang si Cecilio Garcia, intelligence officer na nakatalaga sa DILG Special Operation Group Jericho (DILG-SOGJ) at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa E. Rodriguez Memorial Hospital.
Ayon kay Senior Superintendent Raul Castañeda, chief ng DILG-SOGJ nagpadala siya ng mga tauhan sa Barangay San Isidro sa Marikina City matapos na makatanggap siya ng impormasyon na si Garcia ay nasa nabanggit na lugar at doon ay nangingikil sa isang opisyal ng barangay.
Bago ito, ay nauna nang nakatanggap ang naturang tanggapan ng reklamo sa isang opisyal ng barangay sa Caloocan City tungkol sa ganitong modus-operandi ni James. Umanoy hinihingan siya ng halagang P15,000.
Agad na nagtungo ang mga tauhan ng SOGJ sa naturang barangay sa Marikina at dito inabot nila si James. Nang sisitahin na si James ay bigla itong nagbunot ng baril at saka pinaputok sa grupo ng mga pulis.
Agad namang gumanti nang pagpapaputok ang mga pulis kung saan napatay ang suspect. Narekober sa labi ng suspect ang isang 9mm Llama pistol. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am