Anak ni Sen.Biazon ,sugatan sa pangangampanya sa rali na inulan ng bato
May 8, 2001 | 12:00am
Sugatan sa naganap na kaguluhan sa isinasagawang pangangampanya ang anak ni Senator Rodolfo Biazon na tumatakbong congressman sa Muntinlupa, makaraang tamaan ng bato sa ulo na pinakawalan ng umanoy mga supporters ng kalabang partido sa may Barangay Sucat, kamakalawa ng gabi.
Nagtamo ng malaking bukol sa ulo si Rufino Biazon, 35, tumatakbong kongresista sa ilalim ng Laban ng Demokratikong Pilipino-Puwersa ng Masa, makaraang tamaan ito ng malaking bato.
Kinondena naman ni Elizabeth "Bess" Masangkay, Muntinlupa mayoral candidate ng LDP ang naturang insidente kasabay nang pagsasabing ito ay panibagong kaso ng pananakot ng kalaban nilang partido.
Nabatid na ang pambabato sa grupo ni Biazon ay naganap dakong alas- 11 ng gabi habang nagsasagawa ng pangangampanya ang grupo nito sa basketball court sa Barangay Sucat.
Binanggit pa sa ulat na mismong si Sen. Biazon ay nagsasalita sa harap ng mga tao nang umulan ng bato na nagbuhat sa kung saan.
Bukod sa batang Biazon, tinamaan din at nasugatan si Lito Arevalo, LDP candidate sa pagka-konsehal.(Ulat ni Rainier Allan Ronda)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am