Speaker Belmonte nangunguna pa rin sa survey
May 6, 2001 | 12:00am
Isang linggo na lamang bago ang halalan sa darating na Mayo 14, nananatiling nangunguna si Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr., sa kanyang dalawang katunggali sa mayoral race sa Quezon City.
Sa pinakahuling survey na isinagawa ng independent pollster Smart Research Services, Inc., si Belmonte ay nagawang makakuha ng may 54 percent voter support level.
Sa 2,200 survey respondents buhat sa apat na distrito sa Quezon City, si Belmonte ay nakakuha ng 1,173 boto, habang 681 naman ang sumuporta sa aktor na si Rudy Fernandez at 255 naman ang nakuha ni Rep. Dante Liban ng second district. Siyam-na-put-isa naman ang undecided.
Ang pinakahuling survey ay isinagawa buhat Abril 24 hanggang 27, kasabay ng isinagawang pagrarali ng mga pro-Erap supporters sa harap ng Edsa Shrine.
Ang sampling size ay katulad rin ng ginamit sa unang Smart survey na isinagawa noong unang linggo ng Abril.
Sa panig naman ni Speaker sinabi nito na labis niyang ikinagagalak ang resulta ng pinakahuling survey, kasabay pa nang pagsasabing katanggap-tanggap at suportado ng mga mamamayan ang kanyang inihaing good government campaign. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended