^

Metro

Alert status ng AFP,ibinaba na sa 'blue alert'

-
Ibinaba na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa blue alert status buhat sa itinaas nilang red alert status matapos na humupa na ang namayaning tensyon sa Metro Manila kaugnay ng tangkang pagpapabagsak sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay AFP Spokesman, Brig. Gen Edilberto Adan, ilang araw matapos na magdeklara ng ‘state of rebellion’ si Pangulong Arroyo ay nagbalik na sa normal ang sitwasyon sa Metro Manila at hindi na kinakailangan ang malaking bilang ng mga sundalong itinalaga para mangalaga sa seguridad.

Sinabi ni Adan na sa ilalim ng blue alert status, nangangahulugan umano ito nang pagbabawas ng tropa ng pamahalaan na ikinalat sa buong Metro Manila. Ito rin umano ay bilang paghahanda sa pormal na pag-aalis sa Lunes ng idineklarang ‘state of rebellion’ ng Malacañang.

"Konting bilang na lang ng mga sundalo ang maiiwan sa General Headquarters, yung iba dahil sa blue alert na ay pababalikin na sa mga camps kung saan sila nanggaling," dagdag pa ni Adan.

Samantala, sa isa pang ulat, hindi pa rin panatag ang loob ng mga opisyal sa Maynila, sa kabila ng pagiging pormal ng sitwasyon sa naturang lungsod. Nananatiling nakaalerto ang puwersa ng pulisya para matiyak ang seguridad, partikular na sa paligid ng Malacañang.

Nabatid na nakakalat pa rin sa mga kalsada ng Mendiola, JP Laurel at Nagtahan area ang mga tauhan ng pulisya at militar sa layuning mapigilan ang anumang muling pagtatangkang paglusob sa Malacañang. (Ulat nina Joy Cantos at Grace Amargo)

ADAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GEN EDILBERTO ADAN

GENERAL HEADQUARTERS

GRACE AMARGO

JOY CANTOS

MALACA

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with