13 OFWs inabuso sa Saudi Arabia
May 6, 2001 | 12:00am
Labing-tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang luhaang dumulog sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang ihayag ang sinapit nilang kaapihan at pagbubusabos sa kamay ng mga amo nilang Arabo sa Saudi, Arabia.
Isa nga dito ay halos mawala sa katinuan bunga ng sinapit na pang-aabuso sa kamay ng dayuhan.
Ang tinaguriang makabagong bayani ay dumating sa NAIA dakong alas-4 kamakalawa ng hapon lulan ng Kuwait Airlines Flight KU-411 mula sa Kuwait.
Sa ulat na tinanggap ni OWWA Administrator Wilhelm Soriano, nakilala ang mga ito na sina Imelda Pardo; Shellalane Cutamora; Rosita de Castro; Emily Gumami; Candida Haronguiam; Zamab Adnog; Mida Mendullo; Amina Karem; Angela Daracan; Arceli Rosales; Delia Castillo; Milagros Angeles; at Estefani Rodello. Kasama ni Rodello ang kanyang dalawang anak na sina Manuel Uncas, 1 at ang sanggol na si Neil Sabunga.
Mula sa mga ito ay sobrang pahirap ang naranasan nina Cutamora, 28, tubong Carmen, Agusan del Norte; Pardo ng Bantay Ilocos Norte at Rodello ng Novaliches, Quezon City.
Sinabi ni Edmund Eddun, OWWA officer na si Cutamora ay idinating sa NAIA sakay ng wheelchair at pinaniniwalaang tinakasan pa ng katinuan nang pag-iisip makaraang pagtrabahuhin na mistulang alipin na hindi pa pinapakain.
Si Pardo naman ay mistulang paranoid at hindi makapagsalita. Ito ay may mga pasa at sugat din na nakita sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Si Rodello naman ay pinagsamantalahan umano ng isang Kuwaiti na nagbunga ng dalawang anak hanggang sa inabandona ng nasabing dayuhan. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended