Ulo ng isa sa 3 pinugutan sa QC, narekober
May 4, 2001 | 12:00am
Narekober na kahapon ng mga awtoridad sa Tumana river sa Marikina City ang isang ulo ng tatlong kabataang pinugutan ng mga pulis sa CPD noong nakaraang buwan.
Ang natagpuang ulo ay sa biktimang si Rolando Popanes, 18, ng Bagong Silang, Caloocan City, habang hinahanap pa ang ulo nina Kenny Asana, 16 at isa pang biktima na tinatayang nasa pagitan ng 16-20 na nakilala lamang sa alyas na Badjao.
Ayon sa ulat , dakong alas-12:30 ng tanghali kahapon ng matagpuan ng search team ang ulo ni Popanes na naaagnas na.
Magugunitang ang walang ulong katawan ng mga biktima ay unang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Cresta Verde Subdivision, Sta Monica, Novaliches, Quezon City noong nakalipas na Abril 16 ng gabi.
Kabilang sa mga inaresto ng mga awtoridad na itinuturong pumaslang sa tatlong kabataan na pinaghihinalaang miyembro ng "agaw-cellphone gang" ay sina PO3 Mario Morales, ng CPD Station 6; Romeo Aguado, 31, alyas Hapon; Amario Bernardino, 32 at Rommel Villas. Pinaghahanap pa ang isang suspect na na si PO2 Dennis Biasco ng CPD Station 6. Kinasuhan na ng triple murder si Morales at ang 3 sibilyan na kasalukuyang nakapiit sa CPD detention cell. (Ulat nina Rudy Andal at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended