Blackbelter ng RP team nagbigti dahil hiniwalayan ng syota
May 1, 2001 | 12:00am
Isang blackbelter na miyembro ng Philippine Karate team ang nagpakamatay kahapon matapos na kalasan ng kanyang nobya kung saan ang ginamit sa pagbibigti ay mismong martial arts belt nito, kahapon ng madaling-araw sa Vito Cruz, Malate, Maynila.
Si Gerome Quimseng, 23, nakatira sa #6 Wisdom st., Tereza Village, Quezon City ay natagpuan ng kanyang teammate na si Mark Saavedra na nakabitin sa hagdanan patungong quarters niya sa 3rd floor ng North Tower Rizal Memorial Sports Complex dakong alas-2:30 ng madaling-araw.
Sa report ni Detective Virgo Villareal, ng Western Police District-Homicide section, habang nag-eensayo ng karate ang biktima ay madalas na makita ito ng kanyang mga kasamahan na malungkot at matamlay. Ito ay matapos makatanggap ng text mula sa kanyang nobya na kilala lamang sa pangalang "Ems" na nakikipag-break na ito sa biktima.
Kahapon dakong alas-2:30 ng madaling araw ay natagpuan ni Saavadera si Quimseng na nakabitin sa railings ng hagdanan gamit ang dalawang pang-martial arts belt nito na kulay dilaw at blue na dinugtungan ng isang nylon cord.
Isang masusing imbestigasyon naman ang ginagawa ng WPD kung may naganap na foul play sa nasabing insidente. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest