^

Metro

Raid ng Comelec, politically-motivated

-
Ikinukonsidera ng kampo ni Valenzuela City Mayor Emmanuel "Bobbit" Carlos na politically-motivated ang pangri-raid na ginawa ng mga tauhan ng Commission on Election (COMELEC) sa sinasabing materyales na gagamitin para sa darating na eleksiyon sa tahanan ng isang kapartido ng alkalde.

Sa ginawang pahayag ni Pastor Sonny Tiquia, kandidato bilang konsehal ng ikalawang distrito ng Valenzuela at kapartido ng alkalde, ang brown envelopes na nakumpiska sa isang tahanan sa Bgy. Gen. T. de Leon ay pag-aari ng tauhan ng isang Tsino na kasalukuyang kumakandidato bilang kinatawan ng Valenzuela.

Ayon kay Tiquia, ang nasabing COMELEC envelopes na nakumpiska sa nasabing barangay ay inimprenta ng Advance Printing na matatagpuan sa Bgy. Baesa, Quezon City.

Sinabi rin niya na karamihan sa materyales para sa eleksiyon sa darating na Mayo 14 ay karaniwang pinapagawa ng COMELEC sa ibang printing press. Ginagawa naman umano sa bahay ng mga nakontratang imprenta ng COMELEC ang envelopes dahil sa kakulangan ng mga tauhan.

Ayon naman kay Adriano Abesamis, COMELEC officer ng Valenzuela, walang masamang nagawa si Tiquia gaya ng mga ibinibintang ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Wala rin aniyang matibay na ebidensya kagaya ng mga ipinaparating na paglabag sa Omnibus Election Code ng nasabing kandidato.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ADRIANO ABESAMIS

ADVANCE PRINTING

AYON

BGY

DANILO GARCIA

OMNIBUS ELECTION CODE

PASTOR SONNY TIQUIA

QUEZON CITY

TIQUIA

VALENZUELA

VALENZUELA CITY MAYOR EMMANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with