Holdaper grabe sa boga ng pulis
April 29, 2001 | 12:00am
Agaw-buhay ang isa sa tatlong kabataang nangholdap ng isang pampasaherong jeep makaraan itong barilin ng isang pulis na kabilang sa mga pasaherong kanilang biniktima, kahapon ng umaga sa Camarin, Caloocan City.
Nakaratay sa East Avenue Medical Center sanhi ng isang tama ng bala sa katawan ang suspek na si Winstrol Acedera, 18, binata, residente ng Blk 3 Camarin, Barangay 175 nasabing lungsod.
Samantala agad namang nadakip sa isang follow-up operation ang mga kasama nitong sina Rocky Pagsibigan at Satero Aguilar, kapwa 18 anyos.
Ayon kay SPO2 Marino Gumabay, 38, nakatalaga sa PNP-PSPC sa Camp Crame at siyang nakabaril sa naturang holdap suspek, dakong alas-10 ng umaga sa kahabaan ng Sitio Matarik, Camarin habang sakay siya at apat pang pasahero ng naturang sasakyan ng biglang maglabas ng baril at magdeklara ng holdap ang tatlong suspek at limasin ang kanilang mga perat alahas kabilang ang cellphone ng naturang pulis na noon ay naka-sibilyan.
Matapos ito ay sabay-sabay na nagbabaan ang mga suspek, pero sa pagkakataong iyon ay bumunot ng kanyang baril ang pulis at tinangkang arestuhin ang mga ito.
Subalit agad na itinutok ni Acedera ang dala nitong baril kaya napilitan umano si PO2 Gumabay na paputukan ito.
Agad na bumulagta si Acedera na mabilis na isinugod sa ospital. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended