Northwest Airlines, nag-emergency landing sa NAIA
April 29, 2001 | 12:00am
Nag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Northwest Airlines na patungong Japan ilang minuto pagkaalis sa Kuala Lumpur, Malaysia makaraang tumagas ang langis mula sa third engine nito.
Napilitan ang NW Flight 70 na lumihis at tumawag sa Manila Control Tower para sa emergency landing sa NAIA dakong alas-10:10 ng umaga dahil ito ang pinakamalapit na international airport ng magkaroon ng oil leak ang naturang eroplano.
Ligtas namang nailapag ng pilotong si James Erwin at co-pilot na si Richard Kim ang eroplano na may sakay na 69 pasahero at 10 crew.
Ayon kay Ding Lina, chief ng NAIAs international flight operations, hindi pantay ang lipad ng eroplano ng dumating kung saan nakahilig ito sa kaliwa ng lumapag bandang alas-10:47. (Ulat ni Rey Arquiza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest