Sa reklamo ng mga biktimang sina Ligaya Dolojan, 43, ng Bicutan, Taguig; Zenaida Naval, 38, ng Navotas at Pablo Rivera, 37, ng Valenzuela city, hindi umano tumutugma sa standard foreign exchange rate na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ginagawang palitan ng mga kawani ng Bank of Commerce.
"Sa halip na P50.50 ay ipinalit lamang nila ng P49.50 sa bawat dollar ang $65 ko. Sayang din ang pisong nawala sa pinaghirapan kong pera sa abroad," ani Dolojan.
Hindi rin umano nagbigay ng official receipt ang mga tauhan ng Bank of Commerce na paglabag sa itinatadhana ng batas.
Ayon sa ilang Customs police, matagal na umano ang illegal forex na ito na karamihan sa bikitma ay mga kababayan nating OFW. (Ulat ni Butch Quejada)