^

Metro

Forex racket sa NAIA nambiktima ng 3 OFWs

-
Nabunyag kahapon ang umano’y big-time foreign exchange racket ng ilang tiwaling tauhan ng Bank of Commerce sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang magreklamo ang tatlong overseas Filipino workers na dumating sa bansa mula sa Saudi Arabia.

Sa reklamo ng mga biktimang sina Ligaya Dolojan, 43, ng Bicutan, Taguig; Zenaida Naval, 38, ng Navotas at Pablo Rivera, 37, ng Valenzuela city, hindi umano tumutugma sa standard foreign exchange rate na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ginagawang palitan ng mga kawani ng Bank of Commerce.

"Sa halip na P50.50 ay ipinalit lamang nila ng P49.50 sa bawat dollar ang $65 ko. Sayang din ang pisong nawala sa pinaghirapan kong pera sa abroad," ani Dolojan.

Hindi rin umano nagbigay ng official receipt ang mga tauhan ng Bank of Commerce na paglabag sa itinatadhana ng batas.

Ayon sa ilang Customs police, matagal na umano ang illegal forex na ito na karamihan sa bikitma ay mga kababayan nating OFW. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BANGKO SENTRAL

BANK OF COMMERCE

BICUTAN

BUTCH QUEJADA

LIGAYA DOLOJAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PABLO RIVERA

SAUDI ARABIA

ZENAIDA NAVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with