Ayon kay SPO2 Athos de Quiros, ng WPD-Homicide section, kinilala ang chop-chop lady na si Charito de Leon Rivera, 26, may asawa, ng Signal village, Lower Bicutan, Taguig.
Pansamantala namang hindi binanggit ang pangalan ng hinihinalang mga suspek.
Sa testimonya ni Divina, 30, kapatid ng biktima, posibleng sindikato ng droga na kinabibilangan umano ng asawa ng babae ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang kapatid.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, si Rivera ay dating sangkot sa pagbebenta ng shabu at ilan sa mga nagbabanta sa kanyang buhay ay inestafa niya.
Kinumpirma rin ng isa pang kapatid nito na si Pinky, 24, na umaabot sa P50,000 ang umanoy hindi nai-remit ni Rivera sa napagbentahang shabu na hinihinalang dahilan kaya siya pinatay.
Sa rekord ng pulisya, nakulong na rin ang biktima sa Malolos provincial jail noong 1998 sa kasong pag-iingat ng shabu.
Nakilala ang bangkay nito ilang araw matapos mawala sa pamamagitan ng kanyang suot na damit at matagpuan ang chop-chop na katawan sa Muelle dela Quinta sa Quiapo. (Ulat ni Ellen Fernando)