^

Metro

3 Hapones nasalisihan ng 'guide'

-
Matinding kamalasan ang inabot ng tatlong turistang Hapones matapos na matangayan ng pera at kagamitan na nagkakahalaga ng P.5 milyon ng isang taxi driver na hinihinalang kasapi sa "Salisi Gang" na pinagkatiwalaan at inupahan nila bilang ‘guide’ sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang tatlong dayuhan na sina Noriaki Suzuki, 24; Ozana Tozuka, 34; at Norita Kawata, 39, pawang mga negosyante at tubong Tokyo, Japan.

Sa salaysay ng mga biktima, kararating lamang nila rito sa Pilipinas mula sa Tokyo nang magawi sila sa Malate para maghanap ng money changer shop na makakapagpalit ng kanilang hawak na pera (yen).

Inalok umano ng isang di-kilalang driver ng kulay puting taxi ang mga biktima na i-guide ang mga huli patungo sa mga money shop.

Pumayag naman ang tatlong Hapones at agad na ikinarga ng driver sa compartment ng taxi ang mga dala-dalang bag ng mga biktima na naglalaman ng iba’t ibang uri ng electrical goods, pera at mga alahas na tinatayang umaabot sa halagang kalahating milyong piso.

Agad na hinatid ng suspek ang mga biktima sa Edzen Money Changer sa may Mabini st., Malate.

Nang bumaba ang tatlong biktima upang magpapalit ng pera ay sinamantala naman ng suspek na paandarin ang taxi patungo sa hindi malamang direksyon.

Dahil sa pagkalito at labis na pagtitiwala ay hindi na rin nakuha ng mga biktima ang plaka ng taxi. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BIKTIMA

DAHIL

EDZEN MONEY CHANGER

ELLEN FERNANDO

HAPONES

NORIAKI SUZUKI

NORITA KAWATA

OZANA TOZUKA

SALISI GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with