Pulis inagawan na ng cell phone, ginulpi pa
April 25, 2001 | 12:00am
Isang pulis ang naging panibagong biktima ng kilabot na agaw-cellphone gang na matapos agawan ng kanyang Nokia 3210 ay binugbog pa ng grupo matapos nitong habulin ang umagaw ng kanyang mobile phone, kamakalawa ng gabi sa Commonwealth Ave., Quezon City.
Ang biktimang si PO2 Herbert Baylon, 27, nakatalaga sa Marikina City police at nakatira sa Fairview, QC ay walang malay ng iwan ng mga suspek dahil sa tindi ng gulpi na inabot.
Tinangay din ng grupo ang 9mm baril ng pulis.
Ayon kay C/Insp. Bart Bustamente, officer-in-charge ng CPD station 6, bandang alas-10 ng gabi ay lulan ang biktima sa isang pampasaherong jeep at abala sa pagte-text habang naka-upo sa dulong upuan.
Nang huminto ang jeep sa Manggahan market sa Commonwealth Ave. ay biglang hinablot ng di kilalang suspek ang Nokia ng pulis, pero agad itong hinabol ng biktima.
Pumasok ang suspek sa loob ng isang eskinita pero sinundan pa rin ito ni PO2 Baylon hanggang sa masorpresa ito nang paikutan siya ng mga kasamahan ng suspek at pagtulungan siyang bugbugin at paluin sa ulo hanggang sa mawalan ng malay .
Bago nagsitakas ay tinangay din ng mga ito ang 9mm service pistol ng pulis.
Isinugod naman ang sugatang pulis sa East Avenue Medical Center ng mga nagmalasakit. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended