Ayon kay Adriano Abesamis, city’s election officer, siya at ang mga tauhan ng SWAT ay nagsagawa ng raid sa bahay ng isang Esperanza Won, 28, printing contractor, sa #1189 Tañada subd., Sitio Bitik, Gen. T. de Leon nabanggit na lungsod.
Nakumpiska ang may 200 kahon na mga election paraphernalia sa bahay ni Won na ang bawat kahon ay naglalaman ng 500 envelopes.
Ipinaliwanag ni Won na tinanggap niya ang trabaho na naglalagay ng mga pandikit sa envelope pero hindi umano niya alam na mga election paraphernalia ito at labag sa Omnibus Election Code.
Sinabi pa ni Won na ang mga kahon ay dinala sa kanya ng isang mag-asawa na nakilala lamang sa pangalang Yolly at Bernie ng Bambi st., naturang subdivision.
Ayon naman kay Abesamis, nakatanggap umano sila ng impormasyon na sina Yolly at Bernie ay nagtatrabaho umano sa isang Sonny Tiguia, isang bible teacher at kandidatong konsehal sa 2nd district sa ilalim ng tiket ni incumbent Valenzuela Mayor Bobbit Carlos. (Ulat ni Gemma Amargo)