^

Metro

Haponesa, iniligtas sa sunog nang kinaiinisan niyang kapitbahay na Pinoy

-
Hindi akalain ng isang 53-anyos na Haponesa na ang kinaiinisan niyang kapitbahay na Pinoy sa Komamoto, Masaki, Japan ang siya palang magliligtas sa kanya sa tiyak na kamatayan.

Si Cristopher Manalo, 33, tubong Cainta, Rizal at nagtatrabaho bilang singer sa Japan ay matagal nang inirereklamo ng kanyang kapitbahay na si Zugimoto dahil bukod sa araw-araw na pag-uwi nito ng madaling-araw, inuumaga pa ito sa pakikipagkantahan sa kanyang mga kaibigang singer.

Ang ingay na ito ang ikinagagalit ni Zugimoto dahil nagigising siya sa gitna ng kasarapan niya ng tulog.

Si Manalo ay umuupa ng apartment at kapitbahay niya si Zugimoto.

Hindi itinago ni Zugimoto ang kanyang pagkagalit kay Manalo at katunayan, sinabihan ng Haponesa ang may-ari ng apartment na paalisin ang naturang Pinoy.

Pero noong Abril 16, nag-iba ang ihip ng hangin. Ang dating matinding galit ay napalitan ng pag-ibig. At kung dati, gusto ni Zugimoto na paalisin si Manalo, gusto na nitong tumira ng permanente si Manalo, at kung maaari, malapit sa kanyang unit.

Ganito ang nangyari. Nang nasabing petsa, umuwi si Manalo mula sa club. Matapos makipagkantahan sa mga kaibigan, nakatulog ito sa sofa at 30 minuto pagkaraan ay nagising sa sigaw ng sunog.

Lumabas ito ng apartment at nakita si Zugimoto na humihingi ng tulong mula sa ikalawang palapag ng kanyang apartment.

Agad kumuha ng mga unan si Manalo at inilatag sa kalye at sinabihan ang Haponesa na tumalon.

Pero takot tumalon ang babae kaya napilitan si Manalo na akyatin ito sa nasusunog na apartment at sagipin.

Ayon kay Manalo, proud siya sa kanyang ginawa dahil kahit isa siyang Filipino, nakapagligtas siya ng isang kapitbahay na Japanese, na hindi man lamang natulungan ng kanyang Japanese neighbors.

Dahil sa kabayanihan ni Manalo, isang plake ng pagkilala ang tinanggap nito mula sa Japanese fire department. Siya ang unang dayuhan na tumanggap ng gayong award sa Japan.

At sa pag-uwi ni Manalo sa bansa matapos ang 6-buwang kontrata, nagpahayag ito na babalik ito ng Japan sa lalong madaling panahon at maaaring manirahan uli malapit na kay Zugimoto. (Ulat ni Rey Arquiza)

HAPONESA

KANYANG

MANALO

PERO

PINOY

REY ARQUIZA

SI CRISTOPHER MANALO

SI MANALO

ZUGIMOTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with