Namboso ng naliligo, tinodas ng kapitbahay
April 24, 2001 | 12:00am
Isang binata na nahuli sa aktong namboboso ng naliligong kapitbahay ang napatay, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela District Hospital sanhi ng saksak sa sikmura si Joselito Domingo Jr., 20, ng Coloong Dos nabanggit na lungsod.
Agad namang naaresto ang suspek na si Ruben Santanier, 29, laborer.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:20 ng gabi ng lumabas ng bahay ang suspek para magtungo sa banyo na nasa likod-bahay para umihi.
Habang papalapit sa banyo ay nakita umano ng suspek si Domingo na nakayukong sumisilip sa siwang ng pintuan ng naturang palikuran.
Nilapitan ito ng suspek para alamin kung ano ang sinisilip nito at laking galit ni Santanier ng matuklasang ang binobosohan ni Domingo ay ang naliligo niyang pinsang babae.
Kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa mauwi sa away kung saan agad na bumunot ng patalim ang una at sinaksak ang huli. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest