Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa PGH ang nasawing si Jhelyn Villafuerte, 1-anyos, ng #1235 Anak Bayan st., Paco, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga ng umalis ang bangka sa likuran ng PICC. Habang naglalayag ay bigla itong hinampas ng malakas na alon pagsapit sa harapan ng Grand Boulevard Hotel at tumaob. Ilan sa mga biktima na noon ay naliligo at nakatuntong sa mga bato sa naturang baybayin ang nadamay din dahil sa lakas ng alon at tuluyang mahulog sa tubig. Karamihan sa mga bata ay tumama ang ulo sa naglalakihang mga bato sa paligid ng Manila Bay.
Naging maagap naman ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at ibang naliligo sa nasabing baybayin, pero dahil sa dami ng ililigtas ay nahirapan ang mga rescuer.
Hinihinalang hindi nakontrol ang bangka dulot na rin ng bigat nito dahil sa dami ng nakasakay sanhi para sumemplang ito ng hampasin ng alon.
Kinilala ang14 biktima na ginagamot sa Ospital ng Maynila dahil sa matinding pagsusuka dahil sa nainom na tubig-alat na sina John Mark Tosa, 5; Angelo Tosa, 1; Annaliza Mendoza, 29; Rodman Mendoza, 3; Mary Jane Mendoza, 25; Johnny Bacongan, 1; Jennilyn Bacongan, 15; Benjie Saritan, 5; Sheila May Salita, 8; Irish Faith Bariga, 9; Mary Ann Maupay, 14; Ritchelle Murillo, 16; Leslie Britoy, 16; at Eliza Villafuerte, 34.
Samantala nasa PGH ang lima pang sina Jonathan Villafuerte, 10; Gina Bantog, 35; Ernest Greg Mendoza, 3; Enrico Villafuerte, 14, at Liza Merliza, 24. (Ulat ni Ellen Fernando)