Pormal nang kinasuhan ng QC Prosecutors Office ng paglabag sa illegal tapping ang 31 anyos na si Manuel dela Cruz, residente ng San Miguel, Bulacan. Pinayagan itong makapagpiyansa ng P150,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si dela Cruz ay nahuli ng mga barangay tanod sa aktong nagkakabit ng cable wire sa nabanggit na lugar. Kinuyog ito ng mga residente saka pinaaresto sa nagrespondeng mga pulis.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jeffrey Flores ng Galas police, matagal na ang modus operandi ng suspek at hindi lamang sa lugar ng QC ito nagsasagawa ng kanyang sindikato kundi sa ibat ibang lugar sa kamaynilaan.
Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang improvised na pana, dalawang piraso ng pillbox at paraphernalia para sa illegal na pagkakabit ng cable lines. Hindi naman nabanggit kung anong linya ng cable ang in-install nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)