Maid ginahasa ng among sekyu at tumakas ng mabuntis
April 21, 2001 | 12:00am
Isang 19-anyos na probinsiyana na nabuntis ng kanyang among guwardiya ang tumakas mula sa bahay ng kanyang pinaglilingkuran sa Makati City makaraang pati amo niyang babae ay ayaw siyang paniwalaan sa sinapit niya.
Dumulog sa tanggapan ng Womens and Childrens desk section ng Makati police, ang biktimang itinago sa pangalang Riza, dalaga, pansamantalang nanunuluyan sa Sitio 4 Sol-7 barangay Western Bicutan, Taguig.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Ariel Macapeya, guwardiya, ng Gate 1 Fort Bonifacio, Makati City.
Sa salaysay ng biktima kay PO1 Celia Domingo, naganap ang insidente noong Pebrero 10, taong kasalukuyan ng tiyempuhan ng lalaki na nag-iisa siya at wala ang kanyang among babae na misis nito. Ang panggagahasa ay naulit sa nasabi pa ring buwan.
Sinabi ng biktima na hindi siya agad nakapagsumbong sa mga awtoridad dahil madalas siyang tinatakot na papatayin.
Bukod dito, bagong salta siya sa Maynila at kagagaling lamang niya buhat sa kanilang probinsiya sa Cagayan Valley at hindi pa marunong mag-Tagalog. Hindi rin niya alam ang pasikut-sikot dito at wala rin anya siyang pinag-aralan ni hindi man lamang nakatuntong ng grade one.
Pero ng magbunga ang ginawang panggagahasa at magsimulang mahalata ang paglaki ng kanyang tiyan ay napilitan itong magtapat sa misis ng suspek, gayunman hindi siya pinaniwalaan at sa halip ay pinagtawanan lamang.
Kahapon ay napilitan ang dalaga na tumakas sa bahay ng kanyang mga amo sa takot na malaman ng suspek na nagsumbong siya at humingi ito ng tulong sa ilang kapitbahay.
Nagmalasakit naman ang mga kapitbahay ng suspek at ipinagbigay alam sa barangay ang sinapit ng biktima kasabay ng paghaharap ng kasong rape sa pulisya laban sa sekyu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended