Riot sa QC Jail: 20 preso sugatan
April 19, 2001 | 12:00am
Umaabot sa 20 preso mula sa grupong Sputnik Sigue-Sigue Gang at Batang City Jail ang sugatan ng magsalpukan ang dalawang nabanggit na magkaaway na grupo sa loob ng kanilang mga selda, kahapon sa Quezon City Jail.
Nagsimula ang kaguluhan nang isang Miguel Cerera, kasapi ng BCJ, ang bigla na lamang binato ng grupo ng Sputnik gang na ginantihan naman ng BCJ at pagmulan na ng rambulan.
Matapos ang 15 minutong banatan at makalma ang magkabilang grupo ay agad nagsagawa ng headcount ang QC Jail officials sa mga bilanggo para matiyak na walang nakatakas habang nagaganap ang riot.
Samantala isinugod naman sa klinika na nasa loob rin ng naturang bilangguan ang may 20 preso na pawang sugatan.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga patalim, pana at iba pang armas sa mga selda nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended