^

Metro

2 agaw-cellphone nabangga habang tumatakas

-
Sa ospital humantong ang dalawang hinihinalang miyembro ng cellphone gang matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang nakaparadang cargo truck habang papatakas makaraang makapambiktima ng isang babae, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Bali ang mga buto at kritikal ngayon sa National Orthophedic Hospital matapos tumilapon ang mga suspek na sina Norman Cunanan at Antonio Cabal, nakatira sa Batangas st., Tondo.

Sa ulat ni SPO1 Renato Marco ng Western Police District-Traffic Enforcement Office, papauwi na ang biktimang si Grace Hemino ng #1243 Don Quixote st., Dapitan ng biglang harangin ng dalawa na sakay ng motorsiklo at hablutin ang hawak niyang cellphone.

Hindi naman sukat akalain ng biktima na nadisgrasya pala ang mga suspek habang tumatakas. Sa ospital na nabawi ang cellphone. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANTONIO CABAL

BATANGAS

DAPITAN

DON QUIXOTE

ELLEN FERNANDO

GRACE HEMINO

NATIONAL ORTHOPHEDIC HOSPITAL

NORMAN CUNANAN

RENATO MARCO

WESTERN POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with