^

Metro

PAF major nabaril ang sarili, agaw-buhay

-
Agaw-buhay ngayon ang isang major ng Philippine Air Force (PAF) matapos nitong hindi sinasadyang mabaril ang kanyang sarili habang papasakay ito ng kotse, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa V. Luna Hospital ang biktima na nakilalang si Major Samuel Baral, 39, nakatalaga sa Tactical Operation Wing, Villamor Air Base, matapos magtamo ng tama sa kanang pisngi buhat sa kanyang service firearm na kalibre .45.

Base sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kahapon ng umaga sa isang parking lot sa pagitan ng 521st at 205th Tactical Operation Wing sa Mabalunas st., Villamor Air Base.

Papasakay ang biktima sa kanyang Mitsubishi Lancer (PBL-166) at nang akmang kukunin nito sa likuran ang kanyang beltbag na kinalalagyan ng kanyang service firearm ay bigla itong pumutok at tinamaan sa kanang pisngi ang nasabing opisyal.

Ilang mga kasamahang sundalo ni Baral na nakarinig sa putok ang agad sumugod at nakita ang naturang opisyal at mabilis na dinala sa nabanggit na pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AGAW

LORDETH BONILLA

LUNA HOSPITAL

MAJOR SAMUEL BARAL

MITSUBISHI LANCER

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PHILIPPINE AIR FORCE

TACTICAL OPERATION WING

VILLAMOR AIR BASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with