^

Metro

Isa sa 3 tinyedyer na pinugutan, kilala na

-
Kilala na ang isa sa tatlong pugot na mga bangkay ng kabataan na itinapon sa Sta. Monica, Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang isang bangkay ay nakilalang si Kenny Wong, 16, estudyante ng New Era College na kinilala ng kaanak nito sa Prudential Funeral Homes.

Ayon kay Central Police District director Rodolfo Tor, pawang mga salvage victims ang mga biktima na natagpuang walang mga ulo at itinapon sa kahabaan ng Mindanao Ave., Sta. Monica.

May mga palatandaan na binigti muna ang mga ito bago pinugutan ng ulo dahil sa mga marka sa leeg ng mga ito. May limang metro lamang ang pagitan ng mga ulo ng matagpuan.

Isa sa dalawang di pa nakikilalang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng edad 18-20, may taas na 5’3, nakasuot ng sandong itim na may pangalang "Zulueta" sa likuran, nakasuot ng itim na short at underwear at may tattoo na "Jun Buba" sa kanang bahagi ng katawan.

Samantala ang ikalawang biktima ay nasa pagitan ng 12-15, may taas na 5', walang damit at sapatos, hindi pa "binyagan" o supot habang nasa tabi ng bangkay nito ang isang fatigue na short at asul na underwear.

Isang malawakang manhunt at follow-up operations ang inilunsad ng CPD para matukoy at maresolba ang isa na namang karumal-dumal na krimen sa QC. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT

JUN BUBA

KENNY WONG

MINDANAO AVE

NEW ERA COLLEGE

PRUDENTIAL FUNERAL HOMES

QUEZON CITY

RODOLFO TOR

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with