Ayon kay Rod Bolario, pinuno ng LRT Operations Department ng LRT ay umaabot sa P3.2 milyon ang nawalang kita nila sa loob lang ng isang araw at umaabot sa 300,000 ang average na pasahero ang sineserbisyuhan nito kada araw sa Taft Avenue.
Halos ganito rin naman ang tinatayang nawala sa MRT na nagseserbisyo naman sa tinatayang may 350,000 pasahero sa kahabaan ng EDSA.
Hindi naman nila masyadong ininda ang hindi pagkita ng naturang halaga dahil bukod sa nakapagpahinga ang mga makina, escalators, ticket booth at nagawan ng kaukulang maintenance at repair ang mga pasilidad, nabigyan rin ng pagkakataon ang mga tauhan nila sa paggunita ng Mahal na Araw. (Ulat ni Danilo Garcia)