LRT at MRT nawalan ng P20-M
April 16, 2001 | 12:00am
Tinatayang umaabot sa halagang P20 milyong piso ang nawala sa kaban ng dalawang de-kuryenteng tren sa Metro Manila, ang Light Railway Transit (LRT) at ang Metro Rail Transit (MRT) dahil sa pagsuspinde ng operasyon ng mga ito sa loob ng tatlong araw bilang paggunita sa nakalipas na Semana Santa.
Ayon kay Rod Bolario, pinuno ng LRT Operations Department ng LRT ay umaabot sa P3.2 milyon ang nawalang kita nila sa loob lang ng isang araw at umaabot sa 300,000 ang average na pasahero ang sineserbisyuhan nito kada araw sa Taft Avenue.
Halos ganito rin naman ang tinatayang nawala sa MRT na nagseserbisyo naman sa tinatayang may 350,000 pasahero sa kahabaan ng EDSA.
Hindi naman nila masyadong ininda ang hindi pagkita ng naturang halaga dahil bukod sa nakapagpahinga ang mga makina, escalators, ticket booth at nagawan ng kaukulang maintenance at repair ang mga pasilidad, nabigyan rin ng pagkakataon ang mga tauhan nila sa paggunita ng Mahal na Araw. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended