Nasawi si Bernardo Obniala, 39, ng #171 Alcantara compound, Banlat, Bgy. Tandang Sora matapos tamaan sa baywang habang ginagamot naman sa Kasual General Hospital ang anak nitong si Bernadette, 13, na nagtamo ng dalawang tama sa katawan.
Tinutugis na ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Michael.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:45 ng madaling araw kahapon ng biglang maghamon ng away ang suspek na nasa impluwensiya ng droga at armado ng kalibre .45.
Sa puntong ito ay walang habas na nagpaputok ng baril ang suspek at tinamaan ang naglalakad na mag-ama na nooy pauwi na.
Nang makitang tinamaan niya ang mag-ama na bumulagta ay agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka. (Ulat ni Rudy Andal)