^

Metro

QC leadership gustong ipamana ni Mayor Mathay kay Speaker Belmonte

-
Ipinahiwatig kahapon ni Quezon City Mayor Mel Mathay Jr. ang hangarin na maipamana ang puwesto kay kasalukuyang Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte na tumatakbong alkalde sa lungsod mula sa Partido People’s Power Coalition.

Bagamat hindi tuwirang tinutumbok ang hangarin na si Belmonte ang magmana sa kanyang tanggapan sa Quezon City Hall, mas makabubuti umanong ito ang mangasiwa sa lungsod dahil sa karanasan at mga serbisyong naipakita na ng Speaker sa mga taga-Quezon City.

Bukod pa umano ito sa pagkakaroon ni Belmonte ng sapat na makinarya, magandang partido na kanilang kinaaaniban.

Ayon kay Mathay, si Belmonte ang hinahanap ng mga taga-Quezon City para maipagpatuloy at madagdagan pa ang mahusay na serbisyo na ipinatutupad sa lungsod.

Naging mabango at nag-top sa survey si Belmonte sa hanay ng mga kandidato sa pagka-alkalde sa QC, dulot na rin ng "SB" o "Serbisyong Bayan" project sa lungsod tulad ng pagtatayo ng mga paaralan, naglalaan ng programang pabahay, pangkalusugan, pang-edukasyon at imprastraktura sa lungsod.

Una nang binanggit ni Belmonte na itutuloy ang krusada sa pamamahagi ng lupa sa mga mahihirap at pagpapahusay ng kabuhayan ng mga taga-lungsod. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BELMONTE

PARTIDO PEOPLE

POWER COALITION

QUEZON CITY

QUEZON CITY HALL

QUEZON CITY MAYOR MEL MATHAY JR.

SERBISYONG BAYAN

SPEAKER FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with