Lider ng frat tinodas dahil tumangging makipag-away
April 11, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang umanoy lider ng fraternity ng kanyang mga kalabang grupo matapos na tumanggi ang una sa hamong away ng huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng sumpak sa katawan ang biktimang si Cris Cielo, ng Dagat-Dagatan, Malabon at sinasabing lider ng Never Peace Guide (NPG) fraternity.
Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Cherry Angeles, 26, lider naman ng 99G fraternity.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng C-4 Road at Sabalo St. sa Dagat-Dagatan.
Bago naganap ang krimen ang biktima kasama ang kanyang mga barkada na sina Gener Ohayon at Jerico Alvire ay nagkukuwentuhan sa naturang lugar ng biglang dumating ang grupo ng suspect na noon ay bangag sa droga kasama ang ilan pang kabataan at hinamon ng away ang grupo ng una.
Tumanggi naman ang biktima sa hamon dahilan sa alam nito na mayroong kargadang armas ang huli.
Nainis ang suspect sa pagtanggi ng biktima kaya bigla na lamang pinagbabaril nito ang huli at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended