Houseboy tinodas ng mga magnanakaw
April 11, 2001 | 12:00am
Isang malaking pagkakamali ang ginawang pagbibintang ng isang negosyante sa kanyang houseboy na una niyang pinaghinalaang tumangay ng kanyang kotse at pera matapos na matagpuan itong malamig nang bangkay sa katabing machine shop makaraang pumalag sa mga tunay na magnanakaw, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Nakilala ang nasawing biktima na si Adam Raton, 23, tubong Oas, Albay at stay-in helper sa 1138 Baltazar St., Barangay Palatiw, Pasig City. Nabiyak ang ulo nito sanhi nang malakas na palo ng isang matigas na bagay o bakal.
Sa rekord ng pulisya, unang nagtungo sa Pasig police station ang amo ni Raton na si Dianne Jean Zaragosa, kamakalawa ng umaga at inireklamo ang una matapos na madiskubreng nawawala ang kanyang Nissan Sentra na may plakang UKV-112 at isang computer, car stereo at cash.
Pinaghinalaan umano nito si Raton na siyang responsable sa pagnanakaw matapos na hindi ito matagpuan at hinihinalang tumakas na.
Pinuntahan pa ng pulisya ang bahay ng isa sa kamag-anak ni Raton sa Malabon, ngunit nadiskubreng wala ito roon.
Dakong hapon naman nang madiskubre ng ibang mga trabahador sa katabing DRZ Precision Tooling Inc. ang malamig nang bangkay ni Raton. Ayon sa pulisya, maari umanong pumalag si Raton sa mga magnanakaw na tumangay sa gamit ng kanyang amo kung kaya ito tuluyang pinaslang.
Sinabi ni PO3 Ike Jimenez na nakilala na ang mga suspect sa naturang krimen ngunit pansamantala munang itinago ang pangalan ng mga ito habang nagsasagawa ng follow-up operation ukol sa kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended