Dalagang ina ginahasa ng katrabaho
April 10, 2001 | 12:00am
Isang dalagang ina ang ginahasa ng kanyang kasamahan sa trabaho matapos umano nitong balewalain ang pagpapa-cute ng huli, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Luhaang dumulog sa tanggapan ng Womens and Childrens desk section ng Makati city police ang biktima na itinago sa pangalang Josie, 23, stay-in worker sa Print Maker Design Inc. na nasa #3821 Cuenca st., bgy. Palanan nabanggit na lungsod.
Mabilis namang tumakas ang suspek na si Dante Castillo, 20, manggagawa rin ng nasabing tanggapan at nakatira sa Gumban st., Pasay City.
Sa salaysay ng biktima kay PO2 Mylene Canlobo, bandang alas-6 kamakalawa ng gabi habang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang quarters ng hindi nito mamalayan ang pagpasok ng suspek na si Castillo.
Tinutukan umano siya ng patalim sa leeg at saka ginahasa.
Ayon sa biktima, matagal na niyang nahahalata na may gusto sa kanya ang suspek pero hindi niya ito pinapansin dahil nga sa may asawa na ang lalaki at siya naman ay may anak na.
May hinala ang pulisya na pinagsamantalahan ang biktima dahil na rin umano sa pagbalewala nito sa suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended