^

Metro

Nanalo sa tong-its di namigay ng balato, tinusok ng miron

-
Matapos na manalo sa sugal na "tong-its", nasa bingit ngayon ng kamatayan ang isang truck driver matapos na saksakin siya ng lasing na miron na nanghingi ng balato pero inisnab niya, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Ginagamot ngayon sa Rizal Medical Center si Edwin Manaday, 27, ng #703 Lanzones st., Sitio Napico, Bgy. Manggahan, Pasig City. Nagtamo ito ng isang tama ng saksak sa tagiliran.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspek na si Ruel Judilla.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa lugar ng biktima. Panay umano ang "hits" sa tong-its ni Manaday laban sa dalawang kalaro habang nakikipag-inuman naman si Judilla sa kabilang lamesa kasama ang dalawa pang kapitbahay.

Matapos na muling "maka-two hits" si Manaday, lumapit sa mesa ng biktima si Judilla at sinabihan ito ng "dinadaya mo yata sila kaya panay ang tama mo eh!" Hindi naman ito pinansin ng biktima dahil sa lasing na nga ito.

Sumunod na nanghingi naman ng balato para pambili ng alak at pulutan si Judilla kay Manaday na hindi na naman pinansin ng huli. Dito na nagalit ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima gamit ang dala niyang balisong at saka mabilis na tumakas. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

EDWIN MANADAY

JUDILLA

MANADAY

MATAPOS

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

RUEL JUDILLA

SITIO NAPICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with