2 lola todas sa salpukan ng 2 sasakyan

Dalawang lola ang patay habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na salpukan ng dalawang sasakyan, kahapon ng tanghali sa Quezon Avenue, Quezon City.

Namatay sina Perla Ebrada, 78, at housemaid nitong si Pery Tana, 56, pawang residente ng #60 South Maya st., Phil-am Homes, QC.

Sumuko naman ang suspek na si Archie Vetanio, driver ng Starex van na may plakang MNJ-999.

Ayon sa ulat ng Central Police District Traffic Sector 1, alas-11:30 kahapon ng umaga habang sakay ng volkswagen ang mga nasawi na minamaneho ni Allan Ebrada ng banggain ito ng rumaragasang Starex sa kahabaan ng Quezon Ave.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay naipit sa loob ng kotse ang mag-amo habang nasugatan din ang driver na si Allan at dalawa pang sakay ng van. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments