^

Metro

Tinawag na Muslim, naasar, pumatay

-
Matapos na magpanting ang tenga ng mapagkamalan at tawaging isang Muslim, isang lalaki ang nanaksak ng isang umano’y malakas mang-asar na binatilyo na kanyang napatay sa isang sayawan sa Pasig City.

Hindi na umabot ng buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang si Denmark Lao, out-of-school youth at residente ng #47 Bolante II, Villa Monique Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa pangalang Richard, nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ni PO2 Rolando Lipata, naganap ang insidente bandang alas-3 ng madaling araw kahapon sa isang sayawan sa San Agustin st.

Posible umanong dahil sa baduy na suot ng suspek kaya ito pinag-initang alaskahin ng biktima at sabihang parang Muslim kung pumorma.

Pero narinig umano ito ng suspek at agad bumunot ng patalim at tarakan si Lao na bumagsak na nagkikisay sa gitna ng nagkakasayahang mga kabataan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BOLANTE

DANILO GARCIA

DENMARK LAO

MATAPOS

PASIG CITY

PERO

PINAGBUHATAN

RIZAL MEDICAL CENTER

ROLANDO LIPATA

SAN AGUSTIN

VILLA MONIQUE BGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with