Lola todas sa penitensiya
April 9, 2001 | 12:00am
Dahil sa umanoy di na nakayanang hirap ng ginagawang penitensiya tuwing sasapit ang Mahal na Araw, isang lola ang namatay habang naglalakad ng nakaluhod patungo sa altar ng simbahan sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang Lola Cristina o Crising, tubong Iloilo at regular na nakikita sa naturang simbahan tuwing sumasapit ang Mahal na Araw.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng Western Police District-Homicide Division, dakong alas-4 ng hapon kamakalawa nang unang makitang nagpepenitensiya ang matanda sa nakagawian nitong paglakad habang nakaluhod mula sa bukana ng pintuan ng simbahan ng Our Lady of Peace and Good Voyage patungo sa altar nito.
Tumutulo umano ang luha ng biktima habang taimtim na nananalangin na tumagal ng halos tatlong oras habang lumalakad ng paluhod.
Ayon sa mga kasamahang deboto ng biktima, matapos gawin ng lola ang penitensiya ay nagpahinga na ito ng ilang oras bilang paghahanda naman nito para sa pagdiriwang ng Palaspas kahapon.
Napag-alaman na sa loob ng mahabang panahon na pagpepenitensiya ng biktima ay napuna ng kanyang mga kasamang deboto na hindi nagawa ng lola na manalangin gaya ng ginagawa nito.
Bandang alas-5:30 kahapon ng umaga ng muling lumakad ng paluhod ang matanda ay biglang nanikip ang dibdib nito kung saan nadiskubre na lamang ng isang sakristan ang wala nang buhay na lola na nakabulagta sa harap ng altar.
Hinihinala ng pulisya na di na nakayanan pa ng biktima ang pagod at hirap ng kanyang penitensiya at bunga na rin ng kanyang katandaan kaya ito binawian ng buhay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended