^

Metro

4 pulis na wanted, lumutang na

-
Matapos na mapaulat na nagtatago sa kamay ng batas, sumulpot na at nag-ulat sa kanilang hepe ang opisyal na pulis at tatlo niyang tauhan na sinampahan ng limang mabibigat na kaso ng isang hinihinalang drug pusher na umano’y tinangayan nila ng tinatayang P200,000 halaga ng salapi at gamit, kamakailan sa Pasig City.

Sinabi kahapon ni Supt. John Sosito, hepe ng Pasig police, na nag-report na sa kanya ang mga kinasuhan na sina P/Insp. Henry Azuela; mga kasama niyang sina SPO2 Ramon Dumon, PO1 Bedo Montefalcon at PO1 Janel Sabo, pawang mga nakatalaga sa Pasig Police Drug Enforcement Unit (DEU).

Tahasang itinanggi ng mga naturang pulis sa kanya ang mga akusasyon sa kanila ng hinihinalang drug pusher na si Nestonio Santos, alyas Etong Kaliskis, 47, ng #13-B Mamerto District, Bgy. Rosario, Pasig City. Sinampahan sila nito ng mga kasong Violation of Domicile Law, illegal search, illegal arrest, robbery at robbery with extortion.

Sinabi naman ni Sosito na hindi niya kukunsintihin ang kanyang mga tauhan at itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso laban sa apat sa piskalya ng korte. Bahala na umano ang korte sa kahihinatnan ng kaso ng apat na pulis. Gayunman, hindi na muli pang bumalik si Santos upang makuhanan pa ng pahayag at hindi na malinaw kung itutuloy nito ang isinampa niyang kaso.

Kasalukuyan naman inilagay sa imbestigasyon ni Sosito ang apat na pulis upang mabatid ang katotohanan ng akusasyon laban sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

B MAMERTO DISTRICT

BEDO MONTEFALCON

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ETONG KALISKIS

HENRY AZUELA

JANEL SABO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with