^

Metro

65 pekeng LTO employees nasakote

-
Umabot sa 65 pekeng mga empleyado sa loob ng Land Transportation Office (LTO) na nagsisilbing mga fixer ang naaresto habang nasa aktong nakikipagtransaksiyon sa mga bibiktimahin nito.

Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgardo Abenina, nasakote ang naturang mga pekeng empleyado matapos na magpakawala ng mga undercover agent mula sa PNP-Traffic Management Group na nagpanggap na mga kostumer na siya namang nilapitan ng mga pekeng empleyado at inalok na ilalakad ang kanilang papeles ng mabilis kapalit ng tamang presyo.

Nakumpiska sa mga suspek ang genuine na mga LTO IDs. Sinabi ng LTO na natukoy na nila kung kanino nakakuha ng tunay na ID ang mga ito at kung sino ang kontak nila sa loob na umano’y mga matataas na opisyal ng LTO.

Inamin ng mga naaresto na tumatanggap sila ng P280 kada araw bilang kabayaran sa kanilang trabaho mula sa kanilang kontak bukod pa ang hinihingi nilang dagdag sa kanilang mabibiktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

ASSISTANT SECRETARY EDGARDO ABENINA

DANILO GARCIA

INAMIN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NAKUMPISKA

SINABI

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

ULAT

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with