^

Metro

Sa NBI raid; 17 baril nasamsam sa kandidato

-
Isang negosyante na kandidato sa pagka-Konsehal ang pinaghahanap ngayon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na makakumpiska ng mga armas na hinihinalang ibinebenta sa mga pulitiko na ipang-aarmas naman sa mga bodyguard nito sa darating na May elections sa isinagawang raid sa hideout nito sa Makati City kahapon.

Nakasamsam ng 17 kalibre .38 baril na may tatak na Armscor makaraang salakayin ang bahay ng suspek na nakilalang si Inocencio Montes, kumakandidatong konsehal sa Danao, Cebu City at nakatira sa #1578 P. Santos st., Bangkal, Makati.

Isa namang caretaker ni Montes na si Manuel Briones, 25, ang inaresto ng NBI agents ng maaktuhan ito habang may sukbit na baril sa baywang at nasa bahay ni Montes sa Makati City.

Nabigo naman ang NBI na madakip si Montes na nagkataong wala sa naturang lugar ng isagawa ang pagsalakay. Nasa kanyang probinsiya ang nasabing kandidatong suspek at abala sa pangangampanya.

Nang isailalim sa pagsisiyasat, inamin umano ni Briones na ang nakumpiskang mga baril ay pag-aari ni Montes at ibinebenta umano nito sa mga kandidatong nagnanais na bigyan ng armas ang kanilang mga aides o bodyguards na kasama nila sa kanilang pangangampanya.

Hindi naman tinukoy ni NBI Director Reynaldo Wycoco kung sinu-sino ang mga pulitikong nakabili na ng baril kay Montes. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARMSCOR

BANGKAL

CEBU CITY

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELLEN FERNANDO

INOCENCIO MONTES

MAKATI CITY

MANUEL BRIONES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with