Ipinaghiganti ang kaibigan, binata binuweltahan, patay
April 6, 2001 | 12:00am
Isang binata na gustong ipaghiganti ang kanyang nabugbog na kaibigan, ang binaril at napatay ng nakaaway nito, kamakalawa sa Camarin, Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng kalibre .38 paltik sa kanang sintido si Julius Catiero, ng SMPI Agapi Capitol, Camarin.
Agad namang naaresto si Gildo Bagunos, ng #44 Mangga st. Area D nasabing lugar.
Nabatid na nagtungo sa biktima ang kaibigan nitong si Michael para humingi ng tulong sa ginawang panggugulpi sa kanya ng suspek at tatlong di kilalang kaibigan nito.
Agad namang pinuntahan ng biktima ang lugar na itinuro ni Michael, pero di pa man nakakalapit ang dalawa ay sinalubong sila ni Bagunas at binaril si Catiero. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am