Kinalasan ng nobya, CEU student tumalon mula sa 3rd floor ng dorm, todas
April 6, 2001 | 12:00am
Dahil sa hinanakit nang kalasan ng nobya, isang 20-anyos na CEU student ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikatlong palapag ng dormitoryo, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.
Basag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto ng biktimang si Reynante Carpio, 2nd year student ng Centro Escolar University at nakatira sa #1058 Solis st., Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Western Police District-Homicide Division, bandang 1:30 ng madaling araw ng maganap ang di inaasahang pagpapakamatay ng biktima sa dorm ng kanyang nobya na si Joan Aquino, 16, sa Gleco building #1123 Dos Castillas st., Sampaloc.
Nabatid na nagtampo si Aquino kay Carpio matapos makita ng una ang huli na nakikipag-inuman sa isang kaibigan.
Nang malaman ng biktima na nagalit ang nobya ay agad niya itong pinuntahan sa dorm para magpaliwanag at humingi ng sorry. Hindi siya pinansin ng babae sa halip ay nakipagkalas ito sa lalaki.
Dahil sa di matanggap na desisyon ng babae ay nagbitiw ang biktima ng salitang "mabuti pang maglaho na lamang ako sa mundong ibabaw" na inakala ng babae na drama lang ng biktima.
Naging mabilis ang pangyayari ng biglang tumayo sa beranda ng dormitoryo ang biktima at tumalon. Tinangkang habulin at abutin ng mga kamay ng babae ang kanyang nobyo pero t-shirt na lamang ang nahawakan nito at sa bigat ng biktima ay napunit ang damit hanggang sa tuluyang lumagapak sa semento ang huli. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended