Anak, ipinakulong ng ama sa tangkang panununog
April 5, 2001 | 12:00am
Ipinakulong ng isang 70-anyos na ama ang kanyang adik na anak makaraang tangkain nitong sunugin ang kanilang bahay sa Mandaluyong City.
Hindi nakitaan ng pagsisisi ang ama na si Faustino Santos, ng 580 Nueve de Pebrero St., Bgy. Addition Hills habang ipinapasok sa piitan ng mga pulis ang kanyang anak na si Valentino, 37.
Bagamat nasa ilalim pa ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot inamin naman ng batang si Santos ang krimen.
Ito ay nakatakdang sampahan ng kasong tangkang panununog sa city prosecutors office ngayong araw na ito.
Ayon kay Supt. Jose Gentiles, Mandaluyong City police chief na bago ang naganap na tangkang panununog ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ama matapos na komprotahin ng matandang Santos ang kanyang anak tungkol sa bisyo nito.
Sa gitna ng pagtatalo, ay mabilis na kumuha ng isang bote ng gasolina ang suspect at isinaboy sa buong kabahayan.
Gayunman bago pa man nito masilabang tuluyan ang kanilang bahay ay agad itong nahatak ng isa nilang kapitbahay.
Binanggit pa ni Gentiles na mismong si Faustino ang tumawag sa kanila para ireklamo at ipakulong ang kanyang anak. (Ulat ni Non Alquitran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am