^

Metro

Kaso ng UST student tututukan ng NBI

-
Dahil sa sobra umanong kabagalan sa isinasagawang imbestigasyon ng Western Police District (WPD) sa kasong pagpatay sa isang UST student na nagbunyag sa mga anomalya ng kanyang ROTC officials sa nasabing unibersidad, ipinasya ng mga kaanak nito na idulog na lamang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.

Sinabi kahapon ni Atty. Edmund Arugay, hepe ng NBI-special Action Unit na kasunod ng pagdulog ni Welson Chua, Sr. sa kanyang tanggapan ay agad siyang bumuo ng isang team para tumutok sa kaso ng biktimang si Welson Mark Chua, Jr. kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng WPD-Homicide Division.

Naniniwala ang mga magulang ng biktima na mabibigyan ng agarang imbestigasyon ng NBI at matukoy ang mga responsable sa brutal na pagpaslang sa kanilang anak na natagpuang lulutang-lutang sa ilog Pasig noong Marso15 sa Intramuros na nakabalot sa isang carpet, may masking tape sa bibig at mata habang nakatali ng electrical wire ang mga kamay at paa.

Kasalukuyang tinatrabaho ng NBI ang apat na suspek at dalawa sa nasabing krimen. Hawak ng NBI ang dalawang testigo, isa ay kaklase ng biktima.

Bago mawala ang biktima ay huling nakita ng kanyang kaklase si Chua noong Marso 11 sa UST compound habang pinagagalitan ng isa nitong ROTC official.

Nauna rito, ibinunyag ni Chua ang katiwalian ng kanyang mga opisyal sa ROTC kaugnay sa pagbabayad ng mga estudyante kapalit ng pagpasa sa kanilang ROTC subject.

Ang nasabing anomalya ay isinulat ni Chua sa kanilang school organ "Varsitarian" at sumulat sa Department of National Defense na dahilan ng pagkakasibak ng ilang matataas na opisyal ng ROTC.

isa sa mga tinutukoy na may matinding galit kay Chua ay ang kanyang ROTC commandant na si Maj. Danny Mijares.

Kasalukuyang iniimbestigahan na rin ng NBI ang posibilidad na sangkot sa pagpatay kay Chua ang mga military men na pawang sa Reserved Command ng Phil. Army at Dept. of Military Science & Tactics ng UST. (Ulat ni Ellen Fernando)

ACTION UNIT

CHUA

DANNY MIJARES

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EDMUND ARUGAY

ELLEN FERNANDO

HOMICIDE DIVISION

KASALUKUYANG

MILITARY SCIENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with