Naabsuwelto sa pagnanakaw, nahatulan naman ng 4 life sa rape
April 3, 2001 | 12:00am
Makaraang maabsuwelto sa salang pagnanakaw ay hinatulan naman ng apat na ulit na habambuhay na pagkabilanggo kahapon ang isang lalaki na napatunayang nanggahasa sa isang dalagita tatlong taon na ang nakakaraan.
Inatasan ding magbayad ni Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 27 Judge Teresa Soriaso ng P200,000 ang akusadong si Noel Caing sa biktimang itinago sa pangalang Evelina, 17.
Pinawalang-sala naman ng korte si Caing sa bintang na pagnanakaw makaraang hindi ito positibong maituro ng biktima na kumuha ng kanyang P1,400 makaraan siyang gahasain.
Sa rekord ng korte dakong 5:30 ng hapon noong Hunyo 3, 1998, pauwi na ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin nang hindi makabili ng tiket sa opisina ng Aboitiz sa pier nang mapuna niyang sinusundan siya ng akusado.
Nang maabutan, tinutukan siya nito ng kutsilyo sa leeg at dinala sa isang lguar malapit sa pier kung saan siya ikinulong.
Makalipas ang ilang oras dakong alas-11:30 ng gabi, dinala siya ng akusado sa ikalawang palapag ng opisina ng Aboitiz at doon apat na beses ginahasa habang may tutok na patalim.
Makaraang pagsawaan ay iniwan na lamang ng akusado ang biktima dakong 4:00 ng umaga ng madaling-araw. Dito natuklasan ng biktima na wala ang kanyang pera at pinaghinalaang kinuha ito ng akusado.
Isang manager ng Aboitiz ang nakakita sa dalaga na siyang nag-utos upang dalhin sa pulis ang biktima.
Hindi nakumbinsi ng akusado na si Caing ang korte sa depensa nito na basta-basta na lamang siya hinuli ng pulis at pinagbubugbog at saka pinaamin sa kaso. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended