'Motorsiklo Gang' umiba ng linya, cellphone store tinira
April 3, 2001 | 12:00am
Hindi lang payroll ngayon ang binibiktima ng kilabot na "Motorsiklo Gang" sa halip ay nakisakay na rin ang mga ito sa pambibiktima ng cellphone matapos na isang tindahan ang kanilang biktimahin at tumangay ng tinatayang higit P100,000 halaga ng salapi at mga telepono, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Sinabi ni Supt. John Sosito, hepe ng Pasig police, na isang manhunt na ang kanyang ipinag-utos matapos na makilala ng mga saksi ang isa sa mga suspek mula sa police photo gallery.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon sa may R & C Network Cellphone store sa may Caruncho Avenue, Bgy. San Nicholas, Pasig City.
Sakay umano ng isang motorsiklo na walang plaka, pumasok sa naturang tindahan ang dalawang suspek. Lalapitan na umano ng mga saleslady ang dalawa upang asikasuhin nang bigla silang salubungin ng baril ng mga ito at inihayag ang holdap.
Ayon sa may-ari ng tindahan na si Estelita Ramos, 43, ng Johnson st., Parkwood Executive Village, Bgy. Manggahan, agad kinuha ng mga suspek ang P8,000 kinita ng tindahan pero hindi pa nakuntento, isa-isang nilimas ng mga suspek ang lahat ng cellphone at mga accessories at isinilid sa isang bag bago nagsitakas.
Agad namang iniulat ng mga biktima ang insidente kung saan nakilala ng mga saleslady na sina Marissa Dulay at During Pinatid, ang isa sa suspek.
Ayon sa pulisya, ang nakilalang suspek umano ay sangkot sa ilang insidente ng payroll robbery at holdapan pero ngayoy lumilinya na sa pambibiktima ng mga cellphone store para maiba naman ang modus-operandi. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended