^

Metro

Coastal mishap uli: 2 katao patay, 5 grabe

-
Hindi pa man lubos na nabibigyan ng katarungan ang kamatayan ng 14 na biktima sa malagim na aksidente, dalawa katao na naman ang nasawi at apat pa ang malubhang nasugatan, matapos bumangga ang isang pampasaherong jeep sa isang nasiraan at nakaparadang truck sa kahabaan ng Coastal Road, Bgy. San Dionisio, Parañaque City, kahapon ng umaga.

Namatay sina Lilia Capiente, 35, may asawa, taga-Bgy. Paliparan, Dasmariñas, Cavite at Ramon Soria, 45, hindi pa batid ang tirahan.

Sugatan naman sina Pedro Molo, 39; Rodrigo Barlongan, 28; Saturnina Dueno, 28, at Dennis Reyes, 31, pawang mga taga-Bgy. Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Sonny Milla, naganap ang insidente dakong alas-5:45 kahapon ng umaga sa nabanggit na lugar.

Isang truck na may plakang PXS-107 na minamaneho ni Venancio Onez ang nasiraan at nakaparada sa bandang north-bound ng Coastal Road. Paparating naman ang rumaragasang jeep na may plakang DWD-149 na puno ng pasahero at minamaneho ni Hermino Edrial nang bigla na lamang mawalan ng kontrol ang driver nito at bumangga sa naturang truck.

Magugunita na noong Marso 19, taong kasalukuyan, araw din ng Lunes nang 14 na katao ang nasawi sa malagim na aksidente na naganap sa nasabi ring lugar.

Titingnan pa ng awtoridad kung sasampahan ng kaso ang driver ng truck at jeep pero ayon sa mga awtoridad, may responsibilidad sa insidente ang driver ng truck dahil bawal pumarada sa naturang expressway. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BGY

CAVITE

COASTAL ROAD

DASMARI

DENNIS REYES

HERMINO EDRIAL

LILIA CAPIENTE

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with