Petron station hinoldap
April 1, 2001 | 12:00am
Inalerto na ni Central Police District chief, Supt. Victor Luga ang lahat niyang mga tauhan para magbantay sa lahat ng gasoline stations sa Quezon City matapos muling sumalakay ang mga armadong holdaper sa Petron gas station sa E. Rodriguez branch nasabing lungsod.
Dakong alas-5 ng madaling araw nang isang grupo ng di mabilang na kalalakihan na sakay ng asul na Mitsubishi Adventure na walang plaka ang huminto sa nasabing gasolinahan at kunway magpapakarga ng gas.
Matapos makargahan ay nagbayad ang isa sa mga suspek ng P500 at ng susuklian na ng kahera na nakilala lamang sa pangalang Mona ay dalawa sa sakay nito ang bumaba at tinutukan ang babae ng kalibre .38 baril. Mabilis na kinulimbat ng mga suspek ang pera ng kaha at nagsitakas tangay ang di mabatid na halaga ng salapi.
Ang insidente ay ikalawa na kung saan kamakalawa ay hinoldap naman ng 10 armadong lalaki ang Caltex gas station sa Fairview. Isang security guard ang namatay at sugatan ang isang kostumer. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended