Suspek sa Feliciano rape-slay gagawing state witness
April 1, 2001 | 12:00am
Pinag-aaralan ngayong gawing "state witness" ang isa sa limang suspek na responsable sa panggagahasa at pagpatay kay De La Salle graduate Claudine Mabelle Feliciano.
Ayon kay Parañaque City Mayor Joey Marquez, pinag-aaralan na nila kung gagawing pangunahing testigo ang isa sa mga naarestong si Ernesto Berry, 31, welder, tubong Calbayog, Samar at nakatira sa Tramo site, Bgy. Bayanan, Muntinlupa City.
Nabatid kay Parañaque city chief of police, Supt. Ronald Estilles, si Berry ay nadakip nila noon pang Huwebes sa bahay nito sa Muntinlupa. Ito na rin ang nagturo para madakip ang isa pang suspek na si Alijandro Versosa, alyas Boy Tisoy, Jojo Burgos at Nieves Constantino, na nagtago sa Sta. Ana, Cagayan Valley.
Napag-alaman na idiniin ni Berry si Versoza sa naturang kaso matapos nitong ibunyag na nagpunta umano si Versoza sa kanyang bahay at inamin ang naturang krimen, kaya mariing itinanggi ni Berry na kasama siya sa nanggahasa at pumatay kay Feliciano.
Gayunman, positibo itong itinuro ni Janet Balis, isa sa testigo at susunod sanang biktimahin ng nabanggit na grupo ng mga suspek.
Samantala, puspusan pa rin ang paghahanap sa tatlo pang suspek na nakilalang sina Jhun Burgos, isang alyas Danny at Donald.
Kasabay nito, nakatakdang bigyan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ng halagang P1 milyong pabuya ang taong "nagnguso" sa mga ito, na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan, para mapangalagaan ang kaligtasan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended