^

Metro

Gas station hinoldap: Sekyu tinodas, kostumer sugatan

-
Isang gasoline station ang pinagbabaril ng 10 armadong kalalakihan matapos itong holdapin na nagresulta sa pagkamatay ng isang security guard at pagkasugat ng isang kostumer, kamakalawa ng gabi sa Fairview, Quezon City.

Kinilala ang napatay na sekyu na si Richmond Paleracio, 28, binata at nakatira sa #40 Diego Silang st., Proj. 4, QC habang ginagamot naman sa Fairview General Hospital si Diosdado Advincula, 35, ng Novaliches, QC.

sa ulat ni PO2 Joseph Dino, may hawak ng kaso, alas-10 ng gabi kamakalawa ng magpanggap na magpapakarga ng gasolina ang 10 suspek na lulan ng isang kulay asul na Isuzu Highlander na may plakang TVT-939 sa Caltex gas station sa Regalado Ave., Fairview.

Tatlo sa mga suspek ang lumapit sa booth ng kahera saka naglabas ng mga baril at kinuha ang laman ng kaha.

Aktong lalaban naman si Paleracio kaya pinagbabaril ito, at pati kostumer na si Advincula ay pinagbabaril pero nakatago ito sa kanyang sasakyan kaya nasugatan lamang ng mga talsik ng salamin ng kanyang kotse.

Mabilis na tumakas ang mga holdaper habang namatay sa pinangyarihan ng insidente si Paleracio. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

DIEGO SILANG

DIOSDADO ADVINCULA

FAIRVIEW

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

ISUZU HIGHLANDER

JOSEPH DINO

PALERACIO

QUEZON CITY

REGALADO AVE

RICHMOND PALERACIO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with